Skip to content
Home » Blog » 158 Pieces of Patience

158 Pieces of Patience

  • by

Naalala ko noong bata ako, may Lego set ako na bigay ng ninong ko. Pero dahil likas na tamad at walang pasensya, hindi ko talaga tinangkang buuin. Ginagawa ko lang siyang “sangkap” sa niluluto ko kapag naglalaro ako ng lutu-lutuan.

Noong birthday ko nitong January, may kaibigan akong nag-gift sa’kin ng Harry Potter Lego set. Na-excite ako kasi favorite ko ang Harry Potter. Pero bigla ko ring naisip, “Ay shet, Lego. Sisipagin kaya akong buuin ‘to?” (Kahit 158 pieces lang naman.)

Tinanggap ko ang challenge. At oo, kanina ko lang siya naisipang buuin. Halos isang buwan din siyang nakatambay.

Habang binubuo ko siya, may ilang bagay akong natutunan.

Una, kailangan mo ng tiyaga. Walang shortcut sa life, dear. Kung may gusto kang ma-achieve, paghirapan mo. Hindi siya mabubuo kung titigil ka sa gitna.

Pangalawa, kailangan mo ng pasensya. Kung hindi, ikaw lang din ang mafu-frustrate. Minsan gusto natin ng instant result. Atatera tayo ng taon. Pero gurl, hindi lahat minamadali.

Pangatlo, gamitin mo yung manual. Please lang. Huwag tayong mamaru sa buhay. Kanina hindi ko sineryoso ang pagbabasa ng guide, kaya ang ending, ang tagal ko bago nagawa. Si mamaru, nagsimula ulit sa umpisa.

Iba yung sense of fulfillment nung natapos ko siya. Hindi siya madali para sa tulad kong hindi mahaba ang pasensya. Pero kaya naman pala.

Kung gusto mo ng magandang end product, kailangan mong harapin at i-overcome yung mga nakasanayan mong hindi maganda. Everything is a learning experience. Walang sayang kung ginagamit mo ang oras para matuto at lumago.

Ang dami ko na namang hanash. Ganito ba talaga pag tumatanda? Hahaha. Baka bukas maisipan ko namang magsulat tungkol sa kaldero. Skip niyo na lang kung di niyo bet.

P.S. Tuwang-tuwa ako kasi may special feature yung Lego na nabuo ko, hindi lang siya for display. Kapag pinush mo yung isang Lego piece, tumatalsik yung kalaban. Hahaha Winnur!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *