TW: Mental Health and Suicidal Thoughts
It’s been more than a year. Minsan naiisip ko, kung mas pinili kong ituloy na mawala sa mundong ito noon, malamang hindi ko na mararanasan na posible palang maging maayos ang buhay, kahit papaano.
2025 was the worst year of my life.
Noong taong iyon, nalaman kong may cancer ang nanay ko. Hindi ko pa man naa-absorb ang pangyayari, sunod-sunod nang sinubok ang tatag ko. From July to September, hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa buhay ko. Pakiramdam ko, nawalan na ako ng direksyon at hindi ko na alam kung saan ako pupunta.
Then came October 2025. My partner of 14 years left me.
Tinanggap ko na lang. Hindi ako nagmakaawa. Naalala ko pa noong araw na iyon, pumayag na lang ako sa gusto niya. Ewan ko, siguro may parte sa akin na alam nang hanggang doon na lang talaga.
Nilunok ko ang lahat. Ang sakit, takot, at kawalan ng pag-asa. Unti-unti kong sinubukang buuin ulit ang sarili ko. Sinubsob ko ang sarili ko sa trabaho at sinubukang kayanin ang lahat nang walang nakakaalam kung gaano ako nahihirapan.
Pagsapit ng 2026, kahit papaano, nakahinga-hinga na ako. Unti-unti akong nakakabangon. Akala ko, tapos na ang lahat ng pagsubok. Nabigyan ako ng oportunidad na magkaroon ng role na hindi ko akalaing makukuha ko. Pero ang kapalit naman nito ay ang pagyurak sa pagkatao ko. Birthday na birthday ko, kulang na lang sabihan akong bobo at walang alam ng boss ko.
Dumating ako sa puntong hindi ko na alam kung ano ba talaga ang gusto ko sa buhay. Kung ito pa ba ang gusto kong gawin o dahil ito na lang ang nagbibigay ng pagkain sa mesa namin.
Inalok ako ng ibang posisyon para makaalis sa sitwasyong iyon. May salary increase, promotion, name it. Pero tinanggihan ko ang lahat.
Natuto na ako. Sa dami ba naman ng pinagdaanan ko, hindi ko pa ba pipiliin ang sarili ko?
Kaya umalis ako. Dalawang buwan akong walang trabaho.
Pero ang galing, no? Minsan, may mga bagay palang kailangang mawala para makita natin kung ano talaga ang mahalaga. Inalis ako sa mga sitwasyong hindi na mabuti para sa akin. Inalis sa buhay ko ang taong pinakamamahal ko. At kung hindi nangyari ang lahat ng iyon, baka hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung gaano kahalaga na unahin at mahalin ang sarili ko.
Totoo nga siguro na kapag may inaalis sa buhay natin, may mga bagay ding dumarating na hindi natin inaasahan. May mga taong darating na hindi mo akalaing makapagbabago ng perspektibo mo sa buhay. May mga oportunidad na kusang bubukas sa tamang panahon.
Ngayon, iba na ang takbo ng buhay ko.
Hindi perpekto, pero ibang-iba na kumpara noong nakaraang taon. Masaya kahit pagod sa trabaho. Mas madalas nang tumawa. May ilang kaibigang nandiyan lang. Mas positibo na ang pananaw sa buhay at, higit sa lahat, may direksyon na ulit.
Minsan naiisip ko, kung hindi ko piniling mahalin ang sarili ko, baka hindi ko rin maiisip na masaya naman palang mabuhay. Baka hanggang ngayon, nasa tsubibo pa rin ako. Paikot-ikot, walang patutunguhan at walang nararating.
Higit sa lahat, nang matutunan kong mahalin ang sarili ko, mas natuto rin akong magmahal ng kapwa. Magbigay nang walang hinihinging kapalit. Magpasalamat sa mga simpleng bagay. Matutong hindi palaging maghangad ng higit pa sa kung anong mayroon. Magpatawad sa mga taong nakasakit sa akin. At higit sa lahat, piliing magpatuloy.
Masaya ba ako ngayon? Oo.
Umaasa pa ba akong makatagpo ng taong makakasama ko habambuhay? Oo.
Pero kung wala man, alam kong kaya ko nang maging masaya kahit mag-isa.
And I think that’s one of the greatest things I’ve learned: I can hope for a beautiful life with someone, without forgetting that I can also build a beautiful life on my own.
Sa lahat ng pinagdaanan ko, I’m just grateful that I stayed. I’m grateful that I gave life another chance.
Buhay pa ako. At sa pagkakataong ito, masaya na akong mabuhay. ๐งก
Love it.. sana ganito din ako.. sana makayanan ko din lahat .. kasi ngayon nabubuhay nalang ako kasi kailangan . Nagwowork ako kasi kelangan.. bigla nawala purpose ko in life.. ๐ฅน pero mahal ko trabaho ko as in .. its that simula ng iniwan ako parang d ko na kilala sarili ko.. ๐
Sabi ngkapatid ko magpa consult daw ako kasi ganun din daw sya noon..
laban lang! naniniwala ako na balang araw malalagpasan mo yan….at tatawanan na lang natin pag nag-inom tayo!!! ๐
I really need this now ๐
salamat sa pag papa unawa na ang pag alis ng may dangal ay mas okay kesa mag stay pero hindi kana masaya