So recently, may nakita akong post sa Threads — si ate girl gumawa siya ng list ng non-negotiables niya sa lalaki. Sobrang daming negative comments. Kesyo ang taas daw ng standards, kesyo pag nakakita raw ng gwapo mawawala rin daw yung list, at kung anu-ano pang unsolicited opinions mostly galing sa mga lalaki.
Pero hindi yun ang pag-uusapan natin today. Blog ko ‘to, kaya ako ang bida dito.
Nakakatawa kasi gumawa rin ako ng ganitong list noong January — dahil napakarami kong time at wala lang, trip ko lang. First time ko gumawa nito actually. Hindi naman ako atat magka-partner ulit, especially nanggaling ako sa long-term relationship. After that, sobrang nag-focus ako sa sarili ko at doon ko na-realize na bukod sa mahalagang mahalin ang sarili… ang sarap pala maging single, jusko.
Kaya sana kung may makikilala ako, please huwag kayong matakot na galing ako sa long-term relationship. Kahit sabihin mo pang tutulungan mo kaming magkabalikan at sumulat ka pa sa Wish Ko Lang, huwag na po. Sarado na ang chapter na ‘yon.
So eto na nga yung list ko. Please huwag niyo akong i-judge at please let me explain. HAHAHA.
Kung mataas na standard na pala ang basic human decency, I guess, problema na ‘yon ng society. Hehe

Non-Negotiables:
Emotionally mature
Gurl, hindi na uso tantrums. Hindi na ako para manghula ng pinagdadaanan mo sa life. Pag-usapan natin nang maayos ang issues.
Naturally kind and respectful
Hindi lang sa akin — sa lahat ng tao.
Honest
Real talk over sweet lies. Mas okay masaktan sa totoo kaysa mabuhay sa delusion.
Not a people-pleaser
Gusto ko yung natural lang. Kebs sa bashers. 2026 na, please.
Knows how to communicate
Huwag kimkimin ang feelings. Baka kung saan pa lumabas.
Independent
Pwede mo naman akong gawing emotional support, pero sana marunong ka rin tumayo sa sariling paa.
Respects boundaries
Non-nego ko talaga ‘to. Pag nag-no ako, sana respeto pa rin.
Faithful
Sa experience ko kasi, laging ito ang nawawala. Minsan napapatanong na lang ako kung may mali ba sa akin.
Not narcissistic
Kung me, myself, and I lang ang mundo mo — pass po.
No physical or emotional abuse
Matagal kong hineal ang trauma ko dito. Deserve ko naman siguro ng payapang relasyon.
Grateful and well-intentioned
Yung marunong mag-appreciate kahit maliliit na bagay.
Makes time and shows effort
Busy tayong lahat, pero importante ang intentional effort.

How Life Aligns With Mine
Politically mature
Hindi kailangan hardcore activist, pero aware sa nangyayari sa bansa at may paninindigan.
Has faith or spiritual grounding
Kahit anong religion mo, okay lang, pero mahalaga sakin ang faith with action. Ito kasi ang sumalba sa akin noong devastated ako.
Compassionate towards animals
Animal lover at stray rescuer ako. Non-nego energy din ‘to.
How the Relationship Should Feel
I can be fully myself
Hindi ako performative. What you see is what you get.
Emotional presence
Yung kayang mag-share ng buhay — kababawan man o malalim.
Intimacy through laughter
Gusto ko yung magtitinginan lang kayo tapos tatawa na kayo. Hindi pwedeng walang humor ang buhay ko.
Enjoy simple things together
Tambay sa bahay, street food sa kanto, lakad sa Intramuros — simple joys lang.
Lifestyle Compatibility (Bonus)
Music – Mahilig ako sa music, pwede tayong mag-jam habambuhay. Eclectic ako so flexible tayo dito.
Eating out – Mahilig mag-explore ng food pero pihikan din ako. Weird combo, I know.
Gaming – Switch, PS5, Anbernic — part na ‘to ng pagkatao ko.
Drinks occasionally – Umiinom pa rin kahit humihikab na sa bar by 9pm.
Physical & Style Preferences (Bonus lang, hindi required)
Morena – Ewan ko ba Lord, pero sobrang attracted talaga ako sa morena. Ang lakas maka-dalagang Pilipina.
Laid-back / natural vibe – Simple, chill, hindi trying hard.
Hindi ko rin alam saan ako makakakita ng ganito. Minsan feeling ko guni-guni ko lang lahat ng ‘to – pero who knows. Kidding aside, shinare ko lang naman kasi first time kong gumawa ng ganitong list at nasa isip at notebook ko lang siya before.
Sa edad kong ‘to, hindi ko rin alam kung may darating pa. Okay lang naman kung wala. Pero mas okay kung meron, diba? HAHAHA.
Lahat ng ‘to ay based sa standards at preferences ko. Hindi naman kailangan perfect — pero yung non-negotiables, ayun na talaga yun.
At the end of the day, ang gusto ko lang naman ay pumili ng taong pinipili rin ako — intentionally, peacefully, and responsibly. Hindi komplikado. Mahirap lang hanapin. HAHAHA
Pero kung wala talaga Lord, okay lang din. Kumpleto na rin naman ako.
P.S. Sana mabasa ng crush ko ‘to. Charot. Di nga ako kilala, eh.
Ayun naman pala Sabi Kona e, kaya pala Ang aming hanash. Tama ako….
Sige lang ✌️🤗
Kamahal Mahal ka naman talaga. Ikaw lang sapat na.