Skip to content
Home » Blog » Baligtad na Straw, Baligtad na Desisyon

Baligtad na Straw, Baligtad na Desisyon

  • by

Minsan talaga sa buhay, kapag nagmamadali ka, doon ka nagkakamali — minsan pa nga, muntik mo pang ikamatay nang hindi inaasahan.

Kanina uhaw na uhaw ako. Ininom ko agad yung iced tea ko, sabay higop nang kaunti.. Gurl, hindi naman sa pagiging eksaherada pero tumusok at gumuhit sa ngalangala ko. Baligtad pala yung straw.

Doon ko na-realize:
Kahit gaano mo kagustong gawin ang mga bagay-bagay — tulad nito uhaw na uhaw ako — hindi ka dapat magmadali. Kailangan mo pa ring mag-pause at siguraduhing tama ang ginagawa mo. Higit sa lahat, dapat hindi baligtad ang straw mo.

Minsan kasi gumagawa tayo ng mga choices sa buhay na hindi natin pinag-isipan. Minsan hindi yung sitwasyon yung delikado — yung pagmamadali mo.

Lesson learned:
Hindi tayo dapat magmadali. Minsan kasi masyado tayong sabik — makuha ang mga gusto natin, umusad sa buhay o makainom kapag uhaw na uhaw ka.

I-check mo kung tama ba ang direksyon mo — kasi minsan, hindi ka nawawala… sadyang baligtad lang pala ang straw mo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *