Skip to content
Home » Blog » The Beginning of the End: Lessons from the movie The Loved One

The Beginning of the End: Lessons from the movie The Loved One

  • by

Napaka-challenging ng araw na ito. At dahil lately ay nahihilig ako i-challenge ang sarili ko, pinanood ko ang The Loved One nang mag-isa.

Very relatable itong movie na ito sa naging experience ko sa last relationship ko. Tulad ng pelikula, ipinakita nito ang unti-unting struggle ng isang long-term relationship — hindi yung biglaan ang ending, kundi yung paunti-unting pagbabago na hindi mo agad napapansin.

Naiyak ba ako sa pelikula? Hindi. Pero habang pinapanood ko siya, napaisip ako.

Love at first sight. Hindi mo pa nga kilala, pero gusto na. Yan ang usapan ni Ellie at Eric noong nag-uusap sila.
Ganito nagsisimula halos lahat ng love stories — kilig, excitement, honeymoon phase.

Sabi doon, “Love is noticing all the little things. Love turns people into poets, philosophers… and monsters.”

At habang tumatagal ang relasyon, napapatanong ka:

Gaya ng sabi ni Eric,
Sino ang mas nagmamahal?
Bakit? Paano? kailan nagsisimulang masira?

Doon ko na-realize — hindi pala talaga biglaan ang ending ng isang relasyon. Unti-unti siyang nangyayari.
Sa maliliit na bagay. Sa mga hindi napag-uusapan. Sa mga pagbabago na hindi ninyo napansin.

At dito nagsisimula ang “beginning of the end.”


Communication
Sa simula, all ears kayo sa isa’t isa. Kahit maliit na kwento, interesado kayo. Pero habang tumatagal, may shift. Hindi na interesadong pakinggan ang isa’t isa. May mga bagay na hindi na napag-uusapan.

Dito nagsisimula ang distance — hindi sa malaking away, kundi sa maliliit na hindi napapansin


Rejecting Each Other’s Ideas
Unti-unti parang nagko-compete na kayo sa isa’t isa.

Sa career.
Sa beliefs.
Sa views in life.

Hindi na partnership — parang laban na. Hindi na “tayo laban sa problema.” Nagiging “ako laban sayo” na.


Finding Something Missing
Kapag may kulang sa relasyon, minsan hinahanap mo yun sa iba.

Hindi agad cheating.
Minsan conversation lang.
Minsan validation.
Minsan understanding.

Pero kapag sa iba mo na hinahanap ang hindi mo makuha sa partner mo — may malaking problema na.


Assurance That Isn’t Enough
“Ikaw naman ang boyfriend ko”, sabi ni Ellie.

May assurance, pero may distance pa rin. Parang nagbitaw ka ng salitang wala namang laman.


Fighting Over Small Things
Small misunderstandings become big conflicts.

Ultimo sa pagpili ng restaurant kung saan kayo kakain, “Ikaw na ang bahala” ang sagot. Tapos kapag nag-decide na yung isa — may reklamo.

Assumptions replace communication.


Change is Inevitable
People grow. Careers change. Lifestyle changes.

Minsan hindi na kayo sabay mag-grow.

At kapag hindi na-nurture ang relationship habang nagbabago kayo — doon na magkakaroon ng gap.


Being Secretive
Kapag may tinatago ka na para iwas away — alam na this, danger zone na, manginig ka na.

Even small changes in life, hindi na shineshare kasi takot na magalit ang partner. Kaya, transparency slowly disappears.


Misalignment
Ang lala ng eksena nito sa pelikula. Ready nang mag-settle si Eric, pero si Ellie gusto pa ng freedom. “I love living with you” at “I don’t want to be trapped” ang hanash ni Ellie dito. In short, magkaiba na sila ng direksyon.


Escapism
Cheating is a choice. But often, it comes from unresolved issues. Nangyayari talagang pinipili natin yung convenient sa atin to the point na umescape tayo sa problema kaysa ayusin natin.


When A Relationship Hits Its Lowest Point
Ito ang ultimate test. Yung mga panahong ang bigat ng mga problema ninyo, hindi lang sa loob ng relasyon kundi sa kanya-kanyang mga buhay. Mapapatanong ka na lang kung “Lalaban pa ba? O susuko na?”


THE BEGINNING OF THE END

Minsan yung pagsasabi ng “I love you” nagiging question na in a sense na totoo pa ba ‘to? O dahil nakasanayan na lang siyang sabihin?
Mas madali na makita ang mali ng isa’t isa kaysa sa tama.
Nagbibigay kayo at nagsasakripisyo kayo pero pareho na kayong ubos.
Napapatanong kung magho-hold on pa ba? O magle-let go na?

At doon mo mararamdaman — tapos na.


Realization

Ang dami kong na-realize at natutunan sa pelikulang ito. Parang 10/10 naka-relate ako base sa naging karanasan ko.

Madalas akala natin dati sapat na ang pagmamahal. Basta mahal mo, lalaban ka. Basta mahal mo, magwo-work out. Basta mahal mo, yan na ang pang-habambuhay mo.

Pero habang tumatagal, nare-realize mo na ang love, kung hindi inaalagaan, unti-unting nauubos.

Love should not just be familiar — it should be intentional.

Hindi sapat na mahal mo lang ang isang tao.
Hindi sapat yung nasanay ka lang sa presence niya.
Hindi sapat yung “ganito na tayo ever since.”

Kailangang may open communication — yung kayang pag-usapan kahit uncomfortable.
Kailangang may alignment — pareho kayo ng direksyon sa buhay.
Kailangang may acceptance — hindi lang yung magandang version ng isa’t isa ang tinatanggap.
Kailangang may trust — yung walang duda kahit hindi kayo magkasama.
Kailangang may patience — lalo na kapag mahirap ang sitwasyon.
Kailangang may willingness na harapin ang problema — hindi yung tumatakas kapag nahihirapan na.
At higit sa lahat, kailangan may effort — araw-araw pinipili ang isa’t isa, hindi lang kapag convenient.

Because love without growth slowly dies.

Hindi siya namamatay bigla. Hindi dramatic. Hindi explosive.

Unti-unti lang, parang kandilang sinindihan kapag brownout.

Sa mga hindi nasabing salita.
Sa mga hindi pinakinggang hinaing.
Sa mga pagkakataong pinili ang pride kaysa sa pag-intindi.
Sa mga araw na tumigil kayong piliin ang isa’t-isa.

At doon mo mare-realize na Love is powerful, but love alone cannot sustain a relationship. Real talk lang.

Kailangan mo itong alagaan.
Kailangan itong palaguin.
Kailangan itong piliin — paulit-ulit, araw-araw.

Maganda yung pelikula. Natumbok niya ang struggles sa relationship — pero higit sa lahat, pinakita niya kung gaano kadaling mawala ang isang bagay na akala mo panghabambuhay.

And yes — ang saya pa rin pala manood ng sine mag-isa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *