Noon pa man, hindi na ako fan ng Valentine’s Day. Para sa akin, komersyalismo ang okasyong iyon. Wala naman akong problema sa mga nagf-flex ng mga jowa nila sa stories o posts nila na may hawak na chocolates, flowers, o balloons. Nakiki-kilig rin naman ako sa kanila. Hehe.
Minsan lang naiisip ko: ano ba ang intensyon ng okasyong ito? Bakit masakit daw ang araw na ito sa mga single people like me? (Wow, like me? Wahaha.)
Siguro kasi nandoon ako sa paniniwalang ang pagmamahal ay hindi kinakailangang i-prove ng isang okasyon. Mas genuine ito kapag ordinaryong araw lang. Yung tipong naglaba ka maghapon at pagod na pagod, tapos nilutuan kita ng paborito mong pagkain para mawala ang pagod mo, sabay pag-abot ng bulaklak na pinitas sa tanim ng kapitbahay natin na walang CCTV sa labas ng bahay. (Kaya crush, maghanda ka na, kaya kong gawin ‘yan! Wahaha)
Kidding aside, para sa akin, sa bawat ordinaryong araw, may pagkakataon kang ipadama sa taong mahal mo ang halaga niya sa buhay mo. Sa simpleng yakap nang mahigpit; sa pagiging malakas kapag mahina ang isa; sa pagbangon sa mga hamon ng buhay nang magkasama; sa pagsayaw sa gitna ng ulan; sa sabay na pagsawsaw sa sauce ni Manong fishball sa kanto kapag petsa de peligro na; sa random road trip kahit hindi niyo alam kung saan ang destinasyon, basta ang mahalaga, kasama mo siya.
Kaya sa hirap man o ginhawa, huwag na huwag mong sayangin ang araw na ipadama lahat nang ito sa kanya.🤍
Ang dami kong hanash as a single person. Pero at least mahal ko na ang sarili ko enough to know how I show love and how I want to be loved dibuhh?😊