Sobrang productive ang araw ko kahapon.
Mula sa 6am shift (nag-onsite ako, congrats self) hanggang sa pag-attend ng rally sa EDSA after work.
Nagkape ako nang umaga at nagkape ako nang gabi, because I can,
Pero kung may alam ako tungkol sa sarili ko, ito ‘yon:
1. Kapag pinagsama mo ang caffeine at overactive na utak, may magaganap na unnecessary analysis.
2. Magba-bonding kami ng CR.
3. Mapupuyat ako.
Na-experience ko lahat, unfortunately.
1am na. Puyat na nga, pabalik-balik pa sa CR kaya mas lalong hindi makatulog. Dahil ayokong sayangin ang oras, nag-scroll ako sa Instagram — ang bago kong tambayan lately.
At doon nagsimula ang audit.
⸻
Habang nag-ii-scroll, napansin ko ang IG Analytics ng recent post ko tungkol sa pag-participate ko sa rally kahapon.
May 5.9% interaction from a non-follower.
Walang like.
Walang comment.
Walang visible engagement.
Pero may 5.9%.
At doon nag-shift ang utak ko from “scrolling casually” to “quarterly report review.”
Glitch ba ito?
Private save?
Sinend ba via DM ng follower ko sa isang non-follower?
May silent lurker ba ako?
Ewan ko, inisip ko dahil ba lately ay chinallenge ako ng boss ko na mag-analyze ng data at reports, kaya pati Instagram ginawang dashboard ng utak ko.
Past 1am na at may pasok ako ng ala-sais pero inuna ko pa ang pag-dissect ng 5.9%.
Tapos bigla kong naisip — giginhawa ba ang buhay ng mga Pilipino kapag nalaman ko kung sino ang non-follower na ito?
Hindi.
At doon ako natauhan.
⸻
Napansin ko sa sarili ko na kapag may maliit na bagay na hindi ko ma-explain, hindi ako mapakali.
Parang kailangan ko ng sagot.
Parang may unresolved variance sa report.
Pero hindi lahat ng bagay sa buhay ay kailangang i-audit.
Hindi lahat ng numbers ay kailangang bigyan ng meaning.
Minsan, hindi ka lang makatulog dahil caffeinated lang at lactose intolerant din.
⸻
Ang natutunan ko — not in general, but specifically about myself:
1. Wag kang magkakape nang dalawang beses kung alam mong hindi mo kayang i-handle ang hyperactive na utak mo.
2. Kung lactose intolerant ka, magtiis ka sa milk substitute. Hindi worth it ang nakikipag-bonding sa CR nang madaling araw.
3. Hindi nakakaganda ang pag-ooverthink ng data na wala namang real-life impact.
At ang 5.9%?
Isang tao lang iyon.
Isang non-follower na maaaring napadaan lang.
Hindi ito krisis ng lipunan.
⸻
Sa buhay, minsan kailangan timbangin kung ano ba talaga ang dapat pagtuunan ng pansin.
May mga bagay na outside our control.
May mga numbers na hindi kailangan ng interpretation.
May mga data points na hindi worth ng puyat.
Kailangan ko lang tanggapin na hindi lahat ng hindi ko naiintindihan ay problema.
⸻
Pero kung magiging honest ako…
Sino ba ‘tong non-follower na ‘to?
Mabuti sana kung yung crush ko ‘to na out of my league at hindi ako kilala personally, eh di sana masaya.
P.S. Ang kanal nitong post ko kaya magsusulat ako ng reflection sa naganap na rally kahapon para may saysay naman ang buhay ko.