Skip to content
Home » Blog » Please Spare My Taho: On One-Sided Perspectives

Please Spare My Taho: On One-Sided Perspectives

Omg it’s been a while since I wrote here. Ganito talaga ako pagdating sa hobby. Ang tindi ng hype sa una tapos biglang mag-fefade.

Pero wait, I’m back and I felt the need to write this thought kasi napa-reflect na naman ako.

Bumili ako ng taho kaninang umaga. Sa sobrang tuwa ko, pinost ko siya sa socmed. Ilang buwan na ring nakalipas mula nung huling kain ko ng taho and kebs rin naman kung ipost ko diba?haha

So, may mga friends akong nag-comment don sa picture ng taho ko. (na wala pang isang minuto e ubos na bago ko ipost ang pic). Iisa lang ang tono ng comment nila. Mas marami ang sago kesa sa taho (see picture below).

Exhibit 1: taho

Kung titingnan mo nga naman, very evident sa picture ang dami ng sago sa taho ko. Pero naisip ko, teka lang isang side lang naman ang nakita nila diba? Di ko rin alam kung matatawa ako o maiinis sa comments nila, kasi una sa lahat, hindi ako fan masyado ng sago. Mas bet ko din ang tandem ng arnibal at taho.

Isa pa e, medyo naiinis din ako sa sarili ko na bakit ba pinalagay ko pa yung sago e di nga ako fan.

Oh well, minsan tayo mismo naglalagay ng bagay sa buhay natin na alam naman nating hindi natin gusto, tapos later natin marerealize bakit natin ginawa. So ganun yung pakiramdam ko.

Actually, irerelate ko lang tong usapin ng taho sa narealize ko.

Madalas kasi kapag kumuha tayo ng litrato madalas isang anggulo lang ang nakikita natin. At dahil doon, madalas buo na agad ang opinyon natin kahit hindi naman natin hawak ang buong kwento.

Hindi natin nakikita yung buong kabuuan.

Pero para sa ikapapanatag ng sambayanan:

**Ex. Exhibit 1 (taho)**
• front: may 50% sago
• back and side: may 30% soy at may 20% arnibal

Parang yung isang picture ng mag-ex na nagkita uli after how many months na nakakuha ng maraming comments na:
“Bakit mo pinost?”
“Nagbalikan na kayo?”
“Anong feeling?”
“Bakit kayo nagkita?”
“Sinong nag-initiate?”

Na para bang walang karapatan i-post at kailangang i-explain sa lahat ng tao ang mga pangyayari to the point na bakit hindi na lang mag-release ng statement about it?

**Statement content ideas para sa nagkitang mag-ex:**

• Pangyayari: nag-usap about life
• Desisyon: hindi nagbalikan
• What will happen moving forward: “wish you all the best life” ang atake

Gets naman though na nasa socmed tayo at hindi maiiwasan ang mga comments.

Yes, even sa Tiktok live sinabihan akong kamukha ko si April Boy Regino kasi naka-cap ako (pota sorry iinsert ko lang ‘to kasi nakakatawa at di ako maka-move on).

Naisip ko nga, di naman kailangan magpadikta sa ibang mga tao sa mga bawat galaw mo sa buhay, even sa pagpopost sa social media.

Your life, your choice, your consequences (kung meron man).

People don’t get to decide how you live your life or take over it.

Higit sa lahat, people will say what they want to say. May tama kang ginawa at nagpaka-authentic ka, masama pa rin tingin nila. May nagawa kang mali, halos di ka na mapatawad na para bang sa kanila ka nagkamali.

I mean, pls, LIFE IS SHORT.

Can’t we just be kind, understanding, accepting and be happy sa achievements ng bawat isa?

Or kaya naman kung nagkamali man, edi i-call out, payuhan and not to the point na i-condemn ninyo na parang daig niyo pa si Lord (My Lord is not condemning btw)

Anyway, mabalik ako sa taho na maraming sago.

Na-enjoy ko ba? Yes.
Na-satisfy ba ang craving ko? Absolutely.
So, I guess di na kailangan ng explanation kasi masaya ako sa kinain kong taho.

1 thought on “Please Spare My Taho: On One-Sided Perspectives”

  1. Masarap sya, matamis. Nostalgia ang lasa. Ngayon na may DM2 na ako. Puti nalamang ang maari kong kainin. O kaya may kaunting arnibal ngunit wala na arin ang sagoo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *