Skip to content
Home » Blog » Kanser sa Katawan. Kanser ng Bayan!

Kanser sa Katawan. Kanser ng Bayan!

  • by

9th death anniversary ng tatay ko noong May 15. Sa marami, kilala siya bilang isang obispo sa simbahan, pero para sa akin, kilala ko siya bilang tatay ko na binansagan kong Elmer B.

Elmer B. died in the morning. Nagising na lang kami na iba na ang paghinga niya, as if he was telling us something. Akala namin nauuhaw siya and when my mom gave him water to drink, he peacefully rested his head and died in my mom’s arms.

It was a really long battle. 10 years of battling cancer of the plasma cells a.k.a. Multiple Myeloma, which greatly affected his bone marrow and spine, making him five inches shorter in height. He was diagnosed in 2007 and was given only 2-4 months to live. Kaya, when we were confronted by the doctors about his condition, we decided to go home after him being hospitalized for 2 months. Nagkaroon na rin ng tribute at eulogy para sa kanya para bago siya mawala ay marinig niya muna. But the Lord had a different plan. My dad was given 10 more years. Yes, 10 long and meaningful years.

When I was still a kid, my dad loved to put on the radio and listen to music. Pero, kapag umaga, pag gising ko, naka-tune in na siya sa AM radio. Everyday nakikinig ng balita ang tatay ko nang walang palya, kapag nasa bahay siya. (yes, kapag nasa bahay, kasi madalas din siyang wala sa bahay dahil sa mga gawain). I remember him and my mom singing along sa tugtog ng radyo, ang kanta ay “Kanser! Kanser! Ang sakit ng bayan”. I didn’t know kung ano ang ibig sabihin ng cancer (kanser) noon, so sasabayan ko sila sa pagkanta pero ang kakantahin ko ay “Hansel, Hansel, ang sakit ng bayan” (Hansel, my favorite biscuit).

My dad rarely went home because of his ministry as a church worker. May time na umuwi siya galing sa isang out-of-town church activity and I asked him, “Dito ka pa ba nakatira?” He just smiled at me. I didn’t know then that my question hurt him deeply. Bumawi siya nang malala. So, he made sure na every time na uuwi siya sa bahay, may pasalubong siya sa akin at mamamasyal kami. Minsan, sinasama din niya kami sa mga speaking engagements niya sa ibang churches.

When I went to college, doon ko mas naintindihan ang ginagawa ng tatay ko. Isang beses, nakita ko siya sa TV doon sa tindahang pinagbilhan ko ng softdrinks. Nagsasalita siya sa isang presscon about an issue during GMA’s term. Doon ako simulang naging mulat sa kalagayan ng bansa. Doon ko naintindihan na kaya pala laging wala ang tatay ko, dahil may mas malaking responsibilidad siyang ginagampanan, hindi lang sa simbahan kundi maging sa sambayanan.

Noong medyo naka-recover siya sa cancer niya, bumalik pa rin siya sa paglilingkod. Every day ko siyang kasabay pumasok, dahil nasa iisang building lang ang mga opisina namin bilang church worker na rin ako. (hindi nga lang ako pastor). Doon ko hinangaan ang tatay ko dahil hindi lang ang cancer sa katawan niya ang nilalabanan niya, nilalabanan din niya ang kanser ng bayan. Kahit na sa limitasyon niya dahil sa mahinang kalusugan, he made sure na makakapag-ambag pa rin siya sa mga gawain.

Elmer B., hanggang ngayon, patuloy pa ring lumalaban ang mamamayan sa matinding kanser ng bayan. Patuloy na nagdurusa ang mga Pilipino sa hirap ng buhay, kawalan ng hustisya, at sa bulok na sistema. Pero alam kong gaya mo, hindi kami magpapatinag sa gitna ng lumalalang kalagayan ng bansa. Hindi kami matatakot. Patuloy kaming lalaban para sa bayan at mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *